Hindi nakaporma ang Indiana Pacers mula sa una hanggang sa huling quarter ng Game 4 ng NBA Eastern Conference Semifinal Series laban sa Miami Heat sa iskor na 102-90.
Dahil dito, 3-1 na ang standing ng Miami at isang panalo na lang ay pasok na sila sa NBA finals.
Sa unang quarter ay naging mahigpit ang laban at nakalamang agad ang Heat ng pitong puntos, at sa third quarter ay umabot pa ng mahigit 30 ang abanse ng Heat.
Sa pang apat na quarter ay sinubukan ng Pacers na humabol pero kapos na ang mga ito sa oras.
Sa nasabing laro ay highest scorer sa Heat si LeBron James na nakagawa ng 32 puntos at 5 assists, pumapangalawa si Chris Bosh na nakaiskor ng 25 puntos at isang assist.
Sa panig naman ng Pacers umiskor si Paul George ng 23 puntos at 3 assists, David West 20 puntos at apat na assists.
Sa Huwebes Mayo 29, bandang alas-8:30 ay maghaharap ulit ang dalawang koponan para sa Game 5 ng NBA Semifinals sa Bankers Life Fieldhouse, Indianapolis, Indiana.