Nilinaw ngayon ng Pagasa na hindi pa papasok ang panahon ng tag-ulan sa kabila ng naitatalang malalakas na buhos ng ulan at pagbaha sa ilang lugar sa ating bansa.
Nananatiling summer season sa Pilipinas at matatagalan pa bago ang pagpasok ng rainy season.
Kabilang sa ikinokonsidera ay ang pagpasok ng hanging habagat o hangin mula sa timog kanluran bago ang pormal na pagsisimula ng tag-ulan.
Mananatili ang epekto ng El nino kahit magkaroon na ng tag-ulan dahil selected areas lang naman ang tatamaan ng tagtuyot na tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2015.
Ngayong araw ay asahan pa rin ang mainit na panahon ngunit posible naman ang thunderstorm sa dakong hapon at gabi sa malaking bahagi ng ating bansa.