Kontento si Pinoy Ring Icon Manny Pacquiao sa try out ng mga player na nais maglaro para sa kanilang binubuong kuponan na Kia Motors para sa PBA.
Ayon sa kampo ni Pacman, seryoso ang Sarangani solon sa paghahanap ng mga manlalaro na kaniyang pangangasiwaan kapag tuluyan na itong nakapasok sa Local Basketball Association.
Magugunitang target ni Pacquiao na maging playing-coach sa hahawakan niyang team.
Posible namang makasama ng Pinoy Boxing Champion sina Ariel Vanguardia at Glenn Capacio sa magiging Kia Motors' Coaching Staff.