Makapigil hininga ang pagtatapos ng Game 5 ng NBA Eastern Conference dahil sa dikitang score ng Indiana Pacers at Miami Heat.
Sa unang quarter ng laro ay nakalamang ang Pacers sa iskor na 22-16, ngunit nakabawi agad ang Heat sa second quarter sa iskor na 33-42, at sa third quarter bumawi ulit ang Indiana, 64-57.
Sa huling 15 seconds ng laro ay naging dikitan ang laban, 91-90.
Ngunit dahil sa foul na nagawa ng Heat ay nakabawi ang Pacers ng dalawang magkahiwalay na charity o free throws at nagtapos ang serye sa iskor na 93-90.
Mistulang minalas naman si LeBron James na nakagawa lamang ng pitong puntos at ang highest scorer sa Miami ay si Chris Bosh na nakagawa ng 20 points at dalawang assists, Rashard Lewis at Dwayne Wade na parehong pumuntos ng 18 points.
Samantala sa panig ng Pacers ay highest pointer naman si Paul George na nakagawa ng 37 points, 2 assists, David West na nakagawa ng 19 points at 2 assists.
Sa Sabado ay gaganapin ang Game 6 sa American Airlines Arena, Miami, Florida.
Mga kuhang larawan sa pagitan ng Pacer's vs. Heat sa Game 5.