Naitabla ngayon ng Oklahoma City Thunder ang standing sa 2-2 kontra sa San Antonio Spurs makaraang talunin sa Game 4 ng NBA Western Conference semi-finals sa score na 105-92.
Hindi nakalamang ang Spurs sa umpisa hanggang sa pagtatapos nang nasabing laro dahil sa higpit ng depensa ng Thunder.
Malaking tulong ang ginawa ni Russel Westbrook na may 40 points at 10 assists para manalo ang Thunder, sunod sa kanya si Kevin Durant na nakagawa ng 31 points at 5 assists.
Sa Spurs, nag-ambag naman si Tony Parker at Boris Diaw ng tig-14 points at Cory Joseph na nakapuntos ng 11 points at isang assist.
Sa Biyernes gaganapin ang Game 5 alas-9:00 ng umaga sa AT&T Center, San Antonio, Texas, habang bukas isasagawa naman ang Game 5 ng Miami Heat at Indiana Pacers sa Bankers Life Fieldhouse, Indianapolis, Indiana.