Tinambakan ng San Antonio Spurs ang Oklahoma City Thunder sa Game 5 ng NBA Western Conference Finals, sa eskor na 117-89.
Sa first quarter ay tabla pa ang laban sa iskor na 32, ngunit pagdating ng second hanggang fourth quarter ay dito na umabanse ng husto ang Spurs.
Nakaiskor si Manu Ginobbili ng 19 points at 6 assists, Kawhi Leonard at Danny Green na nakaambag ng tig-14 points para sa San Antonio.
Samantala sa Oklahoma, nakagawa naman si Kevin Durant ng 25 points at 2 assists habang si Russel Westbrook ay may 21 points at 7 assists.
Ang Game 6 ay gaganapin sa Linggo, alas-8:30 ng umaga oras sa Pilipinas, sa Chesapeake Energy Arena, ang homecourt ng Thunder.