Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang binabantayang Low Pressure Area o LPA.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 850 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Sa ngayon ay maliit pa ang posibilidad nitong maging bagyo at malabo ring tumama nang direkta sa kalupaan ng alinmang lalawigan sa ating bansa.
Pero maliban sa nasabing LPA, isa pang sama ng panahon ang kasunod nito na maaari ring pumasok sa PAR sa loob ng susunod na tatlo hanggang limang araw.