"sana dalawa ang puso ko hindi na sana nalilito
kung sino sa inyo..."
Hindi ko alam at kung paano ko ilarawan ang sanga-sangang kabaliwan ko nang mga sandaling 'yun. Kung
kayo ang nasa sitwasyon ko, hindi kaya kayo malilito? Kung dumating ang
panahon na dapat mo ng pumili sa pagitan ng dalawang pinakamahalaga sa
puso mo, sino ang pipiliin mo? Akalain mo nga naman- ganito ang nangyari sa akin, sa pagitan nina Apple at Ruzzele- akalain mo nga naman.
Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hmm! Ah, I remember it clearly. Simulan ko kay Apple.
Friday
afternoon, 26th in month of January at 5o'clock to be exact, sa tapat ng Memorial Park. Malakas
ang ulan ng hapon na 'yun habang ako'y pauwi sa amin, kung saan nakilala
ko si Apple. Mabilis ang pagtakbo ko sa aking sinasakyang
bisekleta at nagmamadaling sumilong sa waitingshed, at hindi ko nakitang
tumawid si Apple sa kalsadang 'yun.
Screech!
Thanks God, muntik ko na siyang mabangga!
Tinulungan
ko siya kaagad. Pagkatapos dinala ko siya sa bahay. Pinakain. Napansin
ko ang lakas niyang kumain. Naunawaan ko naman na siya'y gutom. At
desidido ako na pahintulutan siyang manatili sa aking bahay.
Akalain
mo nga naman- habang nasa bahay siya, parang hindi ako mapakali at
hindi ko maintindihan ang sarili ko. Lagi nalang siya ang laman ng isip
ko. Ewan ko ba't kung bakit?
Lumipas ang ilang araw habang siya ay nananatili sa aking bahay, na-realiza ko na na -in love ako sa kanya- akalain mo nga naman, oho!
Yup! Umaapaw ang kaligayahan ko at kakaibang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Not really in words, but I can sense in her gestures.
My relationship with Apple went smoothly at nagustuhan rin siya ng parents ko- akalain mo nga naman.
Isang
araw, umuwi ang aking ina na may kasamang isang magandang nilalang,
unang kita ko palang sa kanya ay agad kuna siyang nagustuhan. Ang
pangalan niya ay si Ruzzele.
Sabi ng aking ina, "paano na si Apple? Kung kailan na nagustuhan mo na siya, papalitan mo na kaagad?" Napangiti ako. Kahit di ako tiyak sa nararamdaman ko para kay Apple, ayuko pa rin siyang palitan.
Napansin ko kina Apple at Ruzzele, madalas nag-aapoy ang tinginan nila sa isa't- isa. Binaliwala ko lamang 'yun.
Akalain mo nga naman- lalo akong napalapit kay Ruzzele, at ganun din siya sa akin. She is nice and sweet. Pagkatapos ng mga seryeng pag-uusap namin, naramdaman ko na malambing siya sa akin at ibang-iba siya kay Apple.
Wala akong kaalam- alam na labis ang emosyon ni Apple mula ng hindi ko na siya na-aalagaan, at may matinding galit kay Ruzzele. Sa galit niya 'yun ay nauwi sa kanilang awayan- akalain mo nga naman.
Ako ay nagulat at naparalisa sa nakita kong dugo mula sa kani- kanilang mukha, a
handful of hairs on the floor, flesh seemed to be burned and toasted.
Both won't let the other win. And I, merely an audience, not the
referre.
Pagkatapos
ng kanilang pag-aaway na umabot sa labas ng bahay, patungo sa harden,
hanggang sa labas ng gate, at napunta sa kalsada. Suddenly, a reckless car came rushing towards them and bull's eye. They were hit by the stupid car. Kailanman hindi ko inaasahan ang bagay na ito, at dito lang matatapos ang lahat. It was all my fault.
Lumipas man ang ilang buwan. Nananatiling nakaukit pa rin sa aking isipan ang nasawing pagmamahal ko- para kina Apple na aking pinakamamahal na alagang pusa at kay Ruzzele, na alagang aso ng aking ina- akalain mo nga naman, oho!
#ISTORIKITIK
0 comments:
Post a Comment