Habang ako ay nanonood ng telebisyon sa bahay ng aking kaibigan, nang biglang may kumalabog sa labas ng bahay. Dali-dali akong lumabas ng bahay at aking nakita ang isang batang nakabulagta sa daan. Tumakbo ako sa kinaroroonan ng bata. Nangingitim at nangangasul ang kanyang mukha at may lumalabas pang dugo sa kanyang bunganga. Sinabihan ko ang drayber na itakbo na sa hospital ang bata.
Ang drayber ng nasabing traysekel ay nakilalang kay Mang Romel, 38 taong gulang, mayroong asawa.
Ang nasabing insidente ay nasaksihan din ng ilang katao na naroroon din sa ng maganap ang pangyayari. Dahil sa nabigla sila sa pangyayari ay hindi nila nagawang tumulong sa bata.
Habang nasa loob ng traysekel, umiiba ang kulay ng bata at parang hindi na tumitibok ang kanyang puso. Tiningnan ko ang kanyang pulso. Hindi na ito pumipintig. Dahil sa may natutunan ako sa First Aid ay agad kong binigyan siya ng CPR o Cardio-Pulmonary Resuscitation. Inulit ko ito hanggang anim na beses, pero sa ika-limang beses pa lamang ay nagresponde na ang kanyang pulso. Laking tuwa ko nang matapos ang aking First Aid na ibinigay sa kanya dahil sa bumalik na ang kanyang pulso at humihinga na siya.
Pagdating namin sa hospital agad kaming tinulungan ng mga Wardmen upang maipasok siya sa Emergency Room. Sinabi pa ng Doctor na kung hindi raw agad na nabigyan ng First Aid ang bata, maaring hindi na ito umabot ng buhay sa hospital.
Ang nasabing bata ay nakilalang si Angelo, walong taong gulang.
Ikinuwento pa ng mga nakasaksi sa pangyayari, na si Angelo kasama ang kanyang pinsan ay nakasakay sa bisikleta . Papaliko na sila ng bigla ring kumurbada ang isang traysekel na minamaneho ni Mang Romel. Nabangga ng traysekel ang bisikleta ni Angelo at siya ay tumalbog, mga sampung metro ang layo sa pinangyayarihan ng aksidente, habang ang pinsan naman ni Angelo ay hindi nadali.
Isinalaysay din ng drayber na si Mang Romel, na hindi niya napansin ang pagliko ng dalawang bata sa kurbada kaya hindi siya agad nakapag-preno sa kanyang traysekel.
Ang nasabing insidente ang nag-udyok sa aking damdamin upang maipakita ang aking natutunan sa First Aid, gayundin ang aking pag-alala na matulungan ang walong taong gulang na batang si Angelo.
Sa loob ng maikling panahong pag-aaral sa First Aid ay agad ko na itong naisagawa sa totoong pangyayari. Masabing ito ay isang malaking biyaya na galing sa itaas.
#TAMBAYAN STORY
0 comments:
Post a Comment