Sa nakakilala kay Don Semion, ito raw ay matapobre at malupit na tao. Mayroon siyang malawak na lupain sa silangang bahagi sa bayan ng Mangkas.
Si Don Semion ay may tatlong anak, ito ay sina Salvador, Roberta at Carlota. Si Carlota ang bunso sa tatlong magkakapatid. Siya ay maunawain, maganda at mabait. Dahil sa kanyang kagandahan ay maraming binatang nanliligaw sa kanya.
Isa sa mga manliligaw ni Carlota ang nasangayunan ng kanyang ama, ito ay si Enrique ang anak ng Hepe sa bayan. Ngunit, walang ni kaunting nararamdaman si Carlota para sa anak ng Hepe. Ang totoo niyan ay mayroon na siyang kasintahan, ito ay si Lando ang anak ng sakada.
Isang araw si Enrique ay dumalaw sa mansyon ni Don Semion na may dalang maraming mamahaling regalo para kay Carlota. Siya ay gumawa ng maraming magandang bagay na upang siya ay lalapit sa puso ng mag-ama. Hanggang dumating sa punto na binigyan ni Don Semion ng tutuparing kahilingan si Enrique na bago ito ikasal sa kangyang anak. Ito ay buong puso na tinanggap ni Enrique.
Ang kahilingan ni Don Semion kay Enrique ay angkinin ang buong lupain sa bayan ng Mangkas. Kaya, humingi ng tulong si Enrique sa kanyang ama na Hepe sa bayan. Bukod sa kanyang ama, humingi rin siya ng tulong sa kanyang Ninong na salukuyang alkalde sa bayan ng Mangkas.
Sa tulong ng Hepe at alkalde sa bayan ng Mangkas ay unti-unting napasakamay ni Don Semion ang ilang lupain sa bayan ng Mangkas. Kaya, tinupad ni Don Semion ang kanilang kasunduan ni Enrique, na ikakasal si Enrique sa kay Carlota.
Nabalitaan ni Lando ang balak ni Don Semion na ipakasal si Carlota sa anak ng Hepe sa bayan.
Isang gabi, nagkita sina Carlota at Lando sa kanilang tagpuan, sa tabing ilog. Nag-usap ang dalawa at nagdesisyon na magtanan. Lumayo, na malayo sa bayan ng Mangkas.
Umaapaw ang galit ni Don Semion nang malaman na nagtanan si Carlota sa isang anak ng sakada. Kaya, ipinahuli ni Don Semion si Lando at ipinakulong. At si Carlota ay dinala pabalik sa mansyon.
Kinabukasan, handa na ang lahat sa gaganaping kasal nina Carlota at Enrique. Ngunit, nang araw rin na iyon ay nabalitaan ni Carlota na patay na si Lando, dahil sa pagtangkang pagtakas mula sa bilangguan. Hindi matanggap ni Carlota ang balita sa kanya na wala na ang kanyang kasintahan. Hindi siya papayag na iiwan lang siya ng ganoon kadali ni Lando.
Sa ngalan ng pag-ibig at sa pagmamahal ni Carlota kay Lando, siya ay nagpakamatay.
#KUWENTONG ALAMAT
0 comments:
Post a Comment