Umakyat na sa 37 ang nasawi sa panig ng BIFF, 1 sa militar at 7 pang iba na sugatan.
Ito ang kinumpirma ni Col. Dickson Hermoso, ang Spokesman ng 6th Infantry Division Philippine Army.
Umaabot naman sa tatlong kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nakubkob ng militar sa nagpapatuloy na law enforcement operation sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato.
Samantala, tinatayang nasa 10,000 mga sibilyan na ang nagsilikas dahil sa inilunsad na air to ground assault ng militar sa Camp Katalicanan sa hangganan ng Datu Piang, Maguindanao at Pikit, North Cotabato.
Todo bantay naman ang mga otoridad sa posibleng ilulunsad na diversionary tactics ng BIFF.
Kagaya na lamang umano kahapon na pambobomba sa bayan ng Datu Piang kung saan dalawa ang nasugatan.
0 comments:
Post a Comment