Handa raw harapin ng negosyanteng si Cedric Lee ang kasong isinampa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.
Ayon sa kanya, hindi rin daw siya aalis ng bansa upang takasan ang kaso.
Itinanggi naman niya ang kumalat na impormasyon na ang ibang mga kasamahan na nambugbog kay Vhong ay umalis na umano sa bansa.
Giit nito, wala raw siyang alam hingil sa naturang impormasyon.
Kinumpirma nito na ngayong araw ay nakatadang ring maghain ng kaso si Deniece Cornejo laban kay Navarro kaugnay sa tangka nitong panggagahasa.
Liban dito mayroon pa umanong may anim hanggang pitong mga babae na lalantad din daw laban kay Vhong na magpapatunay na minolestiya sila ng aktor.
Tumanggi namang idetalye ni Cedric ang pagkakakilanlan ng mga babae dahil bahala na raw ang kanilang mga abogado.
Muli rin nitong iginiit na hindi niya girlfriend si Deniece at hindi rin umano siya ang may-ari ng condo unit na tinitirhan nito na bago lamang lipat.
Binalewala lamang nito ang katanungan na maraming hindi naniniwala sa kanya.
Ayon kay Cedric, hindi niya kailangan ang simpatiya ng publiko at wala umanong siyang pakialam.
Una nang minaliit ng abogado ni Vhong na umano'y ilang babae na kakasuhan din ang kanyang kliyente.
Wala umanong itong kinalaman sa kaso ngayon at bahagi lamang ito ng “pag-divert” sa tunay na issue.
Samantala,n ilinaw ngayon ng Bureau of Immigration na wala pang hold departure order na umiiral laban sa negosyanteng si Cedric Lee at model Deniece Cornejo.
Ginawa ng ahensiya ang pahayag, sa harap ng report na nagbabalak umanong lumabas ng bansa ang dalawa matapos masangkot sa patung-patong na kaso kaugnay sa nangyaring pambubugbog sa TV host/actor na si Vhong Navarro.
Batay sa report, lumutang ang pangalan nina Lee at Cornejo sa booking system ng Philippine Airlines o PAL, kung saan nakakuha umano sila ng flight patungong Singapore at nakatakdang umalis sa Pebrero 6. Sinasabing ginawa ang flight reservation sa pamamagitan ng on-line ticketing ng airline company.
0 comments:
Post a Comment