Direktang tinukoy ng guwardiyang sumipot sa National Bureau of Investigation o NBI kahapon na ang grupo ni Cedric Lee ang kasama ng TV host/actor na si Ferdinand "Vhong" Navarro na lumabas mula sa condominium unit ng 22-anyos na babaeng si Deniece Millinette Cornejo.
Ito'y batay sa naging salaysay ng isa sa mga guwardiya na humarap sa NBI habang nakagapos naman umano kamay ng aktor ng palabas ng condominium ng babae sa Bonifacio Global City.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin ng NBI sa pangunguna ni NBI-NCR Asst. Regional Director Vicente de Guzman ang hawak nilang CCTV footage na kuha mula sa condominium building.
Ang CCTV footage ay itinurn-over sa NBI-NCR ng mga security guard ng Forbes Woods Heights na ipinatawag ng kawanihan.
Sa ngayon ang salaysay pa lamang ng guwardiyang si Lero Garvin ang tinututukan ng NBI na siyang naka-assign sa main gate.
0 comments:
Post a Comment