Mahigit sa 9,000 mga sibilyan ang nagsilikas sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato sa nagpapatuloy na tinaguriang law enforcement operation ng militar at pulisya laban sa tinatayang 250 mga miyembro at opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nahaharap sa iba't ibang kaso.
Umaabot na rin sa 17 BIFF members at dalawa ang nasugatan sa militar sa kalat-kalat na sagupaan sa mga nabanggit na lugar.
Muling naglunsad ng air-to-ground assault ang militar sa mga kuta ng BIFF at inaasahan pa ang paglobo ng bilang ng mga evacuees.
Tumutulong na rin ang Moro Islamic Liberation Front o MILF para matuntun ang pinagtataguan ng BIFF ngunit hindi sa actual operation.
0 comments:
Post a Comment