Nakatakda umanong ipatawag ng Taguig City-PNP ang ilang personalidad na pinangalanan ng TV Host/Actor na si Vhong Navarro na umano'y nambubog sa kaniya sa loob ng isang condominium sa Taguig City.
Ayon kay Taguig City Police Chief S/Supt. Felix Asis, ngayon lamang nagkakaroon nang mas malinaw na detalye ang insidente lalo't hindi aniya sila napagbigyan na maka-usap ang aktor.
Sa mismong pahayag ni Navarro, mariin nitong itinanggi ang alegasyong tangkang paggahasa nito sa isang 22-year-old student na kinilalang si Deniece Cornejo.
Sa ngayon,naka-sentro ang imbestigasyon ng Taguig City-PNP sa nangyaring maling incident. Posibleng maharap sa mga kasong serious physical injury at extortion ang mga taong idinadawit ng biktima.
Samantala, Shocked ang aktres at dating misis ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus sa sinapit ng aktor na nabugbog sa isang condominium unit sa Taguig noong nakaraang linggo. Sinabi ni Lapus na hindi niya kayang tingnan ngayon ang kalagayan ng dating mister.
Hanggang ngayon daw ay naiiyak pa rin ang aktres at hindi mabuti ang kalagayan lalo't apat na buwan itong buntis, kapag nakikita ang sinapit ni Vhong. Ayon kay Bianca, mabuting tao si Navarro at walang kaaway. Sa kabila ng paghihiwalay, sinabi ni Bianca na nanatili silang magkaibigan at sana umano ay malampasan ng aktor ang pinagdadaanan ngayon.
0 comments:
Post a Comment