Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga responsable sa nambugbog sa TV host-actor. Sinabi ng manager ni Navarro na si Direk Chito Roño na inaayos pa ng kanilang mga abogado ang kaso. Ayon kay Roño, inimbitahan si Vhong ng isang kaibigang babae sa isang condominium sa The Fort, Taguig nitong Miyerkules. Pero sa hindi malamang dahilan, piniringan ang aktor ng nasa anim na kalalakihan, ginapos, tinakot, binugbog at hiningan pa ng pera bago iniwan. Sinabi ni Roño na sa Lunes ay nakatakdang sumailalim sa operasyon si Navarro.
Hindi pa makapagbigay ng karagdagang detalye ang direktor dahil ngayon pa lang daw nakakapagsalita ang aktor para magbigay ng pahayag sa mga otoridad. Bagama't nakakagalaw naman ang aktor, hindi pa maayos ang kalagayan nito. Tiniyak ni Roño na kanilang ipupursige ang hustisya para sa aniya'y hindi makataong ginawa kay Navarro.
Vhong Navarro Beaten CCTV Footage
0 comments:
Post a Comment