Hindi na umano itutuloy ng 22-anyos na estudyante na sinasabing tinangkang gahasain ni Vhong Navarro ang pagsasampa ng kaso laban sa TV host/actor.
Ito'y kahit pa nagpa-blotter na sa Southern Police District sa Bonifacio Global City noong Enero 22, 2014 ang naturang babae.
Ayon sa blotter report ng SPD-BGC, nilagdaan mismo ni Vhong o Ferdinand Navarro sa tunay na buhay ang nasabing police blotter kung saan siya inakusahan ng biktima na tumangging magpabanggit ng pangalan dahil sa pagiging sensitibo umano ng kaso.
Idinetalye ng estudyante na hinawakan siya ni Navarro sa kamay, hinila sa buhok, at pilit na pinaupo.
Gayunman ay agad daw siyang pumiglas at nagawang tumakbo sa kuwarto pero sinundan ito ng aktor at pinilit inihiga sa kama at ibinaba pa raw ang kanyang shorts.
Kaagad namang dumating ang dalawang lalaki na sinasabing kaibigan ng dalaga kaya nasaklolohan ito. Ayon kay Taguig City Police Chief S/Supt. Arthur Felix Asis, sisilipin na rin ng mga otoridad ang anggulong "attempted rape, extortion, set up' at iba pang isyu sa likod ng pambubugbog sa 37-year-old TV Host.
Aniya, lahat ng bahagi ng kaso ay nais nilang matingnan lalo't dumarami ang interesado sa pangyayari.
Ilang kaibigan na rin ni Vhong ang nagbigay ng paglilinaw na hindi totoo ang mga kumakalat sa Twitter na nasa 50/50 ang kondisyon ng komedyante.
Ayon kay Ogie Diaz, nakakalakad, nakakapagsalita at nakagagalaw naman si Vhong.
Una rito, bumuhos ang mga panawagan ng mga kaibigan ng aktor para sa hustisya at mabilis nitong paggaling mula sa matinding inabot na pinsala.
0 comments:
Post a Comment