Usap-usapan pa rin sa social media ang performance ng isang madre sa blind auditions ng "The Voice" sa Italy.
Napahanga kasi ni Sister Cristina Scuccia ang audience at apat na hurado sa kanyang rendisyon sa awiting "No One" ng RnB singer na si Alicia Keys. Pawang mga pagkagulat na reaksyon ang naibigay ng "The Voice" judges matapos nakita si Scuccia na suot ang karaniwang damit ng madre habang bumibirit.
Si Scuccia ay 25-anyos na Catholic nun ng Ursuline Sisters of the Holy Family.
0 comments:
Post a Comment