Blocked na ang access sa microblogging site na Twitter sa Turkey.
Ito'y kasunod ng banta ni Prime Minister Recep Tayyip Erdogan na i-wipe out ang mga social media networks kung saan nag-leak ang mga na-wiretap na recordings.
Kapag binubuksan ang Twitter sa nasabing bansa, lumalabas ang notice mula sa telecommunications authority ng bansa kung saan ipinag-utos daw ng korte ang pag-shutdown sa site.
Inihayag ni Twitter Spokesman Nu Wexler na kanila nang inaalam ang pangyayari bagama't hindi nagdetalye kung nagkaroon ng outage sa bansa.
Binatikos naman ni European Commission Vice President Neelie Kroes ang pag-ban sa kaniyang Twitter account.
Sinabi ni Kroes na walang basehan at karuwagan umano ang naturang hakbang.
Ikinagalit naman ito ng mga Twitter users sa Turkey.
Kaagad naging trending topic sa site ang mga hashtags na
"#TwitterisblockedinTurkey," "#DictatorErdogan" at "TurkeyBlockedTwitter."
Una rito ay tiniyak ni Erdogan na ipapasara ang mga social networking sites kabilang ang Facebook at YouTube.
Ito'y matapos na nag-leak sa internet ang na-wiretap na usapan ni Erdogan sa kaniyang pamilya at sa mga miyembro ng ruling party sa Turkey
0 comments:
Post a Comment