Umaabot sa mahigit-kumulang 350 pamilya mula sa limang barangay ang inilikas papunta sa mas ligtas na lugar sa syudad ng Gingoog, Misamis Oriental kagabi. Ito'y matapos tumaas ang tubig-baha sa malaking ilog bunsod ng walang humpay na pag-ulan na pinatindi ng bagyong Caloy na patuloy na nagbabanta sa mga residente sa Mindanao.
Ayon kay Misamis Oriental Provincial Administrator Edmundo Pacamalan Jr., ang nasabing mga pamilya ay kasalukuyang nanunuluyan sa Lugod Central School sa nasabing lungsod.
Ayon pa sa opisyal, ang nasabing mga pamilya ay kanilang kinuha mula sa mga barangay ng Punong, San Santiago, Barangay 19, 23 at 26.
Mas labis din nilang pinangambahan ang nangyaring malawakang pagguho ng lupa dahil sa mahigit 10 barangay na ang nakaranas ng mga pagkabitak dahil sa mga pag-ulan.
0 comments:
Post a Comment