Umaabot naman sa mahigit 500 pasahero ang stranded sa
Macabalan Port sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ayon kay Philippine Coast
Guard Regional Spokesperson Lt.Commodore Eliezer Danlay na ang nasabing
mga pasahero ay nagmula sa dalawang barko ng Trans Asia Shipping Lines
sa lungsod na papunta sana sa mga syudad ng Cebu at Tagbilaran.
Sinabi
ni Danlay na hangga't hindi maibababa mula sa public storm signal No. 1
ang ilang mga probinsyang sakop ng Hilagang Mindanao ay wala rin silang
pahihintulutang mga barko na makapagbiyahe.
Napag-alaman na kasalukuyan ding naka-yellow alert status ang buong
Cagayan de Oro habang patuloy na mino-monitor ang magiging takbo ng
bagyong Caloy na patuloy pa nagdadala ng malaking banta sa mga residente
sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
0 comments:
Post a Comment