Humakot ng 16 medalya at parangal ang mga estudyanteng Pinoy sa 17th Clock Tower School International Mathematics Contest sa Valcea, Romania.
Ayon kay Dr. Simon Chua, Presidente ng Mathematics Trainers Guild-Philippines o MTG, nakapag-uwi ang Pinoy students na nasa elementarya at sekondarya ng tatlong gold, tatlong silver at 1 bronze medal sa kumpetisyong isinagawa noong Marso 20 hanggang Marso 23 .
Sa individual contest at Blitz round aniya ay may nakuhang honorable mention kung saan tatlo ang nasa second place, dalawang third place at tatlong honorable mentions
Nasa 561 estudyante mula sa iba't ibang bansa gaya ng Romania, Bulgaria, Moldova, Serbia, Indonesia at Pilipinas ang naglaban-laban.
0 comments:
Post a Comment