Timbog ang 42-anyos na seaman na kinilala kay Roderick Padilio, tubong Kabangkalan City, Negros Occidental matapos na ireklamo ng panggagahasa ng isang 17-anyos na dalaga na kanya umanong ‘sinisid’ sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa biktimang si Nora, ni-rape umano siya ng suspek noong Marso 12 sa isang Hotel sa Sta. Cruz, Maynila nang pumayag siyang makipagkita sa suspek dahil may papipirmahan umano ito sa kanya na dokumento para sa ATM.
Nagulat na lamang ang biktima nang pumasok sila sa nasabing hotel.
Sa kabila ng kanyang panlalaban ay naisagawa ng suspek ang panggagahasa kung saan inirekord pa ito ng suspek sa kanyang laptop.
Sinabi pa ni Nora, matapos ang ilang araw ay muling nagtext sa kanya ang suspek at sinabihang makipagkita sa kanya na binalewala naman ng biktima. Pero natakot ang biktima nang i-text siya ng suspek ng ‘pag di siya makipagkita baka i-post ito sa mga Facebook at mga friends nito ang kanilang video’.
Nakipagkasundo ang biktima na makipagkita sa suspek kahapon sa isang mall sa tapat ng Manila City Hall kung saan humingi naman ng tulong ang biktima sa Manila Action and Special Assignment o MASA.
Agad namang umaksiyon ang mga operatiba ng MASA at inaresto ang nasabing seaman.
0 comments:
Post a Comment