Nahaharap sa kaso ang isang binatilyong Fil-Am na si Justin Alexander Casquejo, 16 yrs.old ng Weehawken, New Jersey, na nakalusot sa matinding seguridad at nakapag-selfie, sa tuktok ng bagong one World Trade Center Tower sa New York City.
Sa ulat, talagang planado ni Casquejo na pasukin ang gusali, at nang nakapasok na sa loob ng nasabing gusali, siya ay umakyat sa ika-anim na palapag at dumaan sa elevetor hanggang sa 88 na palapag at gumamit pa ng hagdan patungo sa 104 na palapag at dumaan sa antena patungo sa pinaka-tuktok.
Sa kanyang Twitter Account siya ay humingi ng paumanhin.
“I seriously apologize to anyone who may have been insulted or felt disrespected by my actions. It was not my intention to do so,”
0 comments:
Post a Comment