Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol nitong alas-9:17 ng umaga ang timog kanluran na bahagi ng Carmen, North Cotabato na may layong isang kilometro at lalim na tatlong kilometro.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity IV sa Carmen, North Cotabato habang Intensity I naman sa Kidapawan City.
Pagkalipas ng ilang minuto, muling niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang nasabing bayan dakong alas-9:40 ng umaga na may layong pitong kilometro at lalim na anim na kilometro.
Una rito, niyanig din ng magnitude 4.8 na lindol ang timog silangan na bahagi ng Sarangani, Davao Occidental sa layong 278 kilometro dakong alas-4:46 ng madaling araw na may lalim na 33 kilometro.
Wala namang may naitalang pinsala sa nasabing mga pagyanig habang tectonic in origin ang dahilan ng lindol.
0 comments:
Post a Comment