BACOLODCITY - Nananawagan si Philippine Coast Guard Bacolod Head Lt. Cdr. Glen Daraug sa mga may balak bumiyahe ng barko na hintayin muna ang pagbawi sa kanselasyon ng biyahe kasunod ng babala sa probensya ng Negros Occidental sa Public Storm Warning Signal No. 1 dahil kay Tropical depression Caloy.
Ayon kay Daraug, mula alas 12:00 kaninang umaga, pinagbawalan na ang mga fast crafts at roro vessels mula sa Bredco Port at iba pang sakayan-pandagat na maglayag. Base sa Weather Forecast ng PAGASA, alas 11:00 kagabi, nasa ilalim ng Public storm Warning Signal No. 1 ang probensya at ilang bahagi ng Western Visayas lakip ang probensya ng Iloilo at Antique.
Nilinaw ng PCG-Bacolod Head, hanggang hindi pa mahatak ang public storm warning signal sa lugar na pinagmulan, dinadaanan at patutungunan ng isang barko, hindi ito payagan na maglayag sa karagatan.
0 comments:
Post a Comment