BACOLODCITY - Tumaas ang numero ng mga nagkakasakit ng tigdas o measles sa Region 6 ngunit hindi pa maka-deklarar ng measles outbreak.
Ayon kay Department of Health Region 6 Director Marilyn Convocar, sa unang tatlong buwan ng taong 2014, may nasa 733 mga suspected measles cases sa buong Western Visayas ngunit hindi lahat na na-report ang kumpirmado at kinakailangan pa ng tamang verification rason na hindi pa madeterminar kung mayroon talagang outbreak.
Noong nakaraang taon, maliit lamang ang kumpirmado na kaso ng tigdas kung saan umaabot lamang ito sa 250 o 29 percent lamang ng kabu-oan na ni-report ng suspected measles cases noong taong 2013.
0 comments:
Post a Comment