ESCALANTE CITY - Patuloy ang imbestigasyon ng Escalante City PNP tuhoy sa nangyaring pagloloob sa Our Lady of Mount Carmel Church sa lungsod ng Escalante kung saan malaking kantidad ang nanakaw.
Inihayag ni Supt. Leo Batiles, ang chief of police ng Escalante City PNP umaabot mahigit sa P950,000 na cash ang nakuha sa silid ni Fr. Gilbert Sabado kung saan nakalagay ang vault na pinaglalagyan ng nasabing kantidad.
Ayon kay Supt. Batiles, hinintay na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operativas o SOCO mula sa Negros Occidental Police Provincial Office o NOPPO.
Sentro ng imbestigasyon ang mga empliyado ng kumbento at ang mga tao na nasa man nagatiner sa nasabing simbahan matapos lumalabas na walang forcible entry sa nangyaring pagnanakaw. Na-confirm ni Supt. Batiles na 16 ang mga empliyado sa simbahan kasama na dito ang mga kasamahan ni Fr. Sabado ang nakunan ng fingerprints.
Napag-alaman din nang nakaraang buwan ng Enero may nangyari man na pagnanakaw sa kumbento kung saan umaabot naman sa P60,000 ang ninakaw.
0 comments:
Post a Comment