Suportado ni Police Regional Office 6 Director C/Supt. Josephus Angan ang utos ni Philippine National Police Director General Allan Purisima na pinagbawalan sa mga kasapi ng media sa pagpasok sa crime scene.
Nilinaw ni Chief Supt. Angan na dapat mapreserbar ang crime scene dahil dito makikita ang mga ebidensya sa imbestigasyon para madali masulbar ang krimen. Nilinaw din ng opisyal na importante ang ebidensya dahil ito ang gagamitin sa kaso. Una nang ginagawa ito ng kapulisan ang pagcordon o paglagay ng police line para hindi madisturbo ang crime scene.
Umapela ito sa mga kasapi ng media na kung sila ang mauna sa crime scene, huwag lang gagalawin ang mga ebidensya dito. Nilinaw ni Chief Supt. Anagan na hindi lang ang media ang pinagbabawalan sa pagpasok sa crime scene kundi lalo na ang mga kapulisan na walang partisipasyon sa imbestigasyon.
0 comments:
Post a Comment