Naibenta sa halagang $2 million ang isang Tibetan Mastiff na tuta sa isang "Luxury Pet" fair sa Zhejiang, China. Sinasabing ito na ang pinakamalaking "Dog Sale" sa kasaysayan.
Ayon sa Dog Breeder na si Zhang Gengyun, isang property developer ang nakabili ng isang taong gulang na golden-haired mastiff.
Inihayag ni Zhang na mayroon umanong dugo ng leon ang kaniyang aso at "top-of-the-breed" ang mga ito.
Napag-alaman na ang Tibetan Mastiffs na parang may hawig sa leon, ay itinuturing na pinakamimithing status symbol sa mga mayayaman sa China kaya mahal ang presyo.
Ang nasabing tuta ay may taas na 80 sentimetro at may bigat na 90 kilo.
Sinabi ni Zhang na nalulungkot din siyang ibinenta ang naturang mga aso.
Ang mastiff ay isa umanong loyal at protective na breed ng aso.
0 comments:
Post a Comment