BAGO CITY - Confine ngayon sa pribadong ospital sa lungsod ng Bacolod ang isang police na na-involve sa komosyon sa loob ng bulangan sa Bago City, Negros Occidental na naresulta naman ng pagkasugat ng isang biktima na natamaan ng bala mula sa baril ng pulis.
Si PO1 Jojiemar Alvarado, assign sa Bacolod Police Station 9, ang confined sa Bacolod Adventist Medical Center dahil sa pagkasugat mula sa grappling na nagyari sa pagitan nila ni Punong Barangay Federico Gayagas ng Brgy. Bacong Montilla, Bago City at isa pa na kasama ng baranggay oipisyal.
Nangyari ang insidente dakong alas 10:30 ng gabi noong Sabado sa bulangan ng Bantayan Park.
Ayon sa ulat may nangyaring hindi pag-iintindihan sina PO1 Alvarado at Punong Brgy. Gayagas at bigla nalang binunot at tinutukan ni Alavarado si Gayagas ng kanyang baril, disarmahan ng Brgy. opisyal at ng kasama nito ngunit disgrasyang pumutok ang 9mm service firearm ni PO1 Alavarado na nagresulta ng pagkasugat sa paa ni Orlindo Lasco, 47-anyos ng Brgy. 16, Bago City.
Ang biktima ang confine ngayon sa Western Visayas Regional Hospital.
Samantala, patuloy naman na hinahanap ang baril ni PO1 Alvarado na kinuha ng isang di kilalang lalake bago dumating ang mga naresponder na kapulisan ng Bago City Police Station.
0 comments:
Post a Comment