Itinaas na ng US Geological Survey o USGS sa magnitude 8.2 ang tumamang lindol sa bahagi ng Chile ngayong umaga araw ng Miyerkules, o Martes ng gabi palang sa nasabing bansa.
Ayon sa USGS, naitala ang sentro ng lindol 86 kilometro sa hilagang-kanluran ng mining area sa lungsod ng Iquique sa nasabing bansa. May lalim itong 10 kilometro sa seabed.
Kaagad naglabas ng tsunami warning para sa Pacific Coast ng Latin America kabilang ang Colombia, Panama, Costa Rica, at Ecuador, bilang precautionary measure pero ngayon ay binawi na.
Sa ngayon hindi pa matiyak kung may malaking pinsala na idinulot ang lindol bagama't sa pagtaya ng USGS, dahil sa lakas ng pagyanig ay posibleng magkaroon ng mapaminsalang tsunami. Dalawa na rin umano ang kumpirmadong patay habang tatlo ang sugatan.
Pero may mga report na nagkaroon ng landslides sa ilang lugar ng Chile dulot ng malakas na pagyanig. Puspusan din ang paglilikas sa mga residente lalo na ang mga nakaharap sa coastline.
0 comments:
Post a Comment