Sa harap na rin ng dumaraming kaso ng dengue at iba pang sakit na dala ng mga lamok, trending na naman sa social networking sites ang mosquito dance ni DoH Spokesman Dr. Eric Tayag.
Ayon kaya Tayag, nais nilang mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko hinggil sa pagdami ng lamok, pati na ng malalaking uri nito sa ilang lugar sa Metro Manila.
Isasabay naman ang pagsasapubliko ng buong sayaw sa Abril 7, 2014, kasabay ng World Health Day Celebration.
Gagamit na rin umano ng mascot ang DoH upang maging patok ang awareness campaign sa mga kabataan.
0 comments:
Post a Comment