Balik sa normal na ngayon ang isinasagawang misa sa isang barangay sa lungsod ng Legazpi matapos na maibalik na sa kanilang chapel ang ninakaw na kampana.
Una nga rito, Mayo 22, kasalukuyang taon nang madiskubreng nawawala na ang 103-year old bronze bell sa chapel ng St. Therese of the Child Jesus sa bahagi ng Barangay Bagong Abre, Legazpi City.
Napag-alaman na tumanggi munang magsagawa ng misa ang pari sa nasabing barangay hangga't hindi naibabalik ang nasabing kampana.
Hanggang matapos ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad, natunton ang dalawang suspek mula sa katabing barangay sa nasabing pagnanakaw habang sa isang junk shop naman natagpuan ang nawawalang bronze bell.