LA CARLOTA CITY - Matagumpay na nilabanan ng 12-anyos na si Francis ang takot nang ganap na mapabilang sa mga nagpatuli na isinagawa kaninang umaga sa lungsod ng La Carlota.
Inamin ng 10-anyos, na pinilit nito ang sarili na magpatuli upang makaiwas sa kantiyaw ng mga ka-edad at kaibigan.
Sabi niya, umabot pa ng mahabang panahon bago ito natuli dahil sa sobrang takot na nararamdaman.
Samantala, nakibahagi din ang isang 14-anyos na bading sa libreng circumcision.
Buo ang loob ng bading na kinilala lamang sa pangalang Totoy.
Hindi naging sagabal sa kanya ang kanyang pagka-bading upang makiisa sa libreng tuli o circumcision.
Ayon kay Totoy, hindi ito nakapagpatuli agad dahil sa takot na nararamdaman.
Nagdesisyon siya magpatuli upang maging malinis ang kanyang hygine.
Sa kabuuang 59 ang bilang ng mga benepisyaryo na nabigyan ng libreng circumcision.