Patay ang isang media practioner matapos binaril ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo bandang alas-7:00 kaninang umaga sa Digos City, Davao del Sur.
Nakilala ang biktima na si Sammy Oliberyo, isang blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network o UMBN.
Sa ulat, galing sa palengke si Oliberyo kasama ang kanyang asawa, pauwi na umano sa kanilang bahay ang mag-asawa nang tabihan ng nakamotorsiklo na riding in tandem.
Una rito, nagmamadali pa umano ang biktima dahil hinahabol nito ang kanyang alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga na programa.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang nasa likod at motibo sa pangyayari.
Napag-alaman din na hindi naman umano hard hitting na komentarista ang biktima kaya naman sa inisyal nilang paniniwala maaaring personal ang motibo sa nasabing krimen.