Dalawa ang patay habang isa ang sugatan nang tamaan ng kidlat sa Agusan del Sur nitong Martes ng gabi, Mayo 20.
Ayon kay Rolando Haom, tserman ng Barangay Dakutan, ang mga namatay ay nakikilalang sina Alex Imbuscado, 27-anyos, at Raffy Escubido, 36-anyos.
Isinugod naman sa Bayugan City Hospital sanhi ng tinamong lapnos sa katawan ang isa pang biktima na si Allan Payom.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:45 ng gabi sa may Barangay Dakutan sa Esperanza town, Agusan del Sur.
Bago ito, nagpasiyang sumilong sa isang kubo ang tatlong biktima at dalawang iba pa nang mapansing maitim ang kaulapan.
Gayunman, kalalampas pa lamang ng lima sa isang punong-kahoy nang tamaan ang tatlo ng kidlat habang papunta sa kubo.