Nakumpiska ng awtoridad ang isang Philippine Eagle at tatlong inakay nito at iba pang endangered birds sa loob ng isang pampasaherong bus sa Camarines Norte kahapon ng umaga, Mayo 21.
Pagtatangggol naman sa sarili ni Wilbert Era, bus conductor, hindi niya alam na bawal pala ang pagsasakay ng mga ibon at inamin na matagal na nila itong ginagawa.
Ibibigay ang mga ibon sa Department of Environment and Natural Resources, ayon pa sa ulat.
Ikinokonsidera ang Philippine Eagles na critically endangered ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) sanhi ng kanilang “extremely small population.”
Sa ilalim ng batas, ang mga critically-endangered species tulad ng Philippine Eagle ay ang mga nahaharap na maubos ang lahi sa kagubatan.
Hinuli si Era ng Traffic Management Group o TMG habang pinagayan munang dalhin ng bus driver na hindi nakuha ang pangalan ang kanyang pasahero sa Maynila bago ito panagutin sa insidente.