Dalawa ang patay matapos madaganan ng gumuhong pader sa kasagsagan ng malakas ulan at hangin kahapon ng hapon.
Natumba ang pader na may taas na halos 10 talapakan sa Minante I, Cauayan City.
Agad naman tumugon ang mga Rescuer at nakuha ang bangkay ng isa sa dalawang biktima na si Lucas Guzman, 57-anyos.
Dalawang heavy equipment ang ginamit ng mga rescuer para makuha ang katawan ng ikalawang biktima na si Felix Gammad,14-anyos, na napisak ang ulo na apo ni Guzman at kapwa residente ng Tagaran, Cauayan City.