Hinihintay na lamang ng Municipal Government ng Tupi, South Cotabato, ang deklarasyon ng state of calamity ng tatlong barangay na sinalanta ng buhawi.
Ito'y upang maisailalim na rin ng local government unit-Tupi sa state of calamity ang buong bayan.
Ito ang inihayag ni Tupi Mayor Reynaldo Tamayo Jr.
Ayon kay Mayor Tamayo, mga plantasyon ng papaya, mais at saging ang natamaan ng buhawi sa Barangay Linan, Bololmala at Cebuano na sakop din ng Mt. Matutum.
Sinabi ng alkalde na base sa initial assessment ng LGU-Tupi, umabot sa P200,000 hanggang P300,000 ang pinsala sa mga pananim sa nabanggit na mga barangay ngunit masuwerteng walang nadamay na tao at kabahayan sa pagtama ng naturang kalamidad.