Naging kontrobersyal ngayon ang umano'y pangalawang insidente ng paglalagay ng surgical tape ng bibig sa bagong silang na sanggol ng medical staff ng Cebu Puericulture Center and Maternity House.
Sa Facebook account ng isang Chesiel Lyka Arsua, 22-anyos na nanganak noong Pebrero 22 nitong taon lang, kanyang sinabi na nilagay niya sa social media ang larawan ng kanyang sanggol matapos pinabulaanan ng ospital ang reklamo ng isang ina.
Ang kanyang sanggol ay nilagyan din daw ng surgical tape pero ang pagkakaiba ay nilagyan ito ng pacifier.
Ayon kay Ursua, nakita niya ang kanyang anak na may tape ang bibig kaya inireklamo niya sa nurse at doon agad kinuha ang tape na hindi man lang nilagyan ng tubig.
Pero nilinaw ni Ursua na wala siyang balak maghain ng reklamo at gusto lang niya ipaalam ang nangyari sa kanyang sanggol.
Kinuwestiyon naman ng legal counsel ng pagamutan ang lumabas na larawan at iginiit na gawa-gawa lang ito.
Samantala sa paglabas ng pangalawang insidente ng paglagay ng tape sa sanggol, ay ikinatuwa ito ng mga magulang na una ng naghain ng reklamo laban sa pagamutan.