Apat na mga kasapi ng rebeldeng New Peoples Army o NPA ang napatay kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan nila ng mga katapo ng 79th Infantry battalion ng Philippine Army sa Negros Oriental.
Nangyari ang engkuwentro sa Sitio Pitawa, Brgy.Sto. NiƱo, Tanjay City, Negros Oriental alas 4:00 ng hapon noong Sabado.
Nagsasagawa ang tropa ng community patrol sa lugar kasunod ng report na may presensya ng mga armado na tao sa nasabing barangay ng sila ang pinagputukan ng mahigit sa 30 mga NPA.
Tumagal ng 30 minutos ang pagpalitan ng putok na nagresulta ng pagwithdraw ng mga NPA.
Habang, tumagal naman ng 20 minutos ang engkuwentro muli ng tropa dakong alas 4:50 ng hapon habang nagsasagawa ng hot poursuit operation sa mga tumakas na mga rebelda.
Ito ang nagresulta sa pagkamatay ng apat na mga NPA na natagpuan sa encounter site matapos na iniwan ng kanilang mga kasamahan.
Narecover sa scene of ecounuter ang isang M16 rifle, subversive documents ng high intelligence value at ilang mga personal na kagamitan.