Nakabawi ngayon ang Oklahoma City Thunder kontra sa San Antonio Spurs sa game 3 ng NBA Semifinals Western Conference sa iskor na 106-97.
Sa apat na quarter ng nasabing laro, ay sa unang quarter lang lumamang ang Spurs at sa pangalawa hanggang huling quarter ay dinomina na ito ng Thunder.
Nakagawa si Russel Westbrook ng 26 points at 7 assists, habang si Kevin Durant ay nakaiskor ng 25 points at 3 assists para sa Oklahoma.
Si Manu Ginobili naman ang highest pointer sa San Antonio Spurs na nakaiskor ng 23 points at 4 assist at Tim Duncan na nakagawa ng 16 points.
Sa Miyerkules gaganapin ang Game 4 ng NBA Semifinals Western Conference sa pagitan ng San Antonio at Oklahoma City sa Bankers Life Fieldhouse, Indianapolis, Indiana.