Naapula na ang forest fire sa paanan ng Bulkang Mayon na nag-umpisa nitong nakaraang Martes ng gabi.
Walang rumesponde sa sunog nang lumiyab dahil walang residente sa lugar na sakop pa rin ng permanent danger zone ng bulkan.
Halos pitong oras na nasunog ang bahagi ng bulkan na nasa alert level 1.
Nagsasagawa na ng damage appraisal ang BFP, DENR, Office of Civil Defense at Albay Public Safety and emergency Management Office doon.