Lapnos ang katawan ng isang pitong buwan na sanggol sa may Brgy. Ermita, Cebu matapos aksidenteng nabuhusan ng mainit na sabaw habang kumain ang mga magulang nito.
Ayon sa ama ng sanggol na si Joel Martinez kanyang sinabi na labis ang kanyang pagsisisi na hindi agad nila dinala ang anak sa pagamutan dahil umano kinakapos sila sa pera.
Sabi ng ama, noong nakaraang araw pa nangyari ang insidente pero ngayon pa lang napagamot ang anak.
Masyado na umanong lumala ang pinsala natamo ng sanggol at iniinda nito ang sakit kung kayat dinala na nila ito sa pagamutan.
Maalala na kumain ang mag-asawa sa isang restaurant at nang umorder sila ng mainit na sabaw doon na nangyari ang aksidente.
Nang-inabot ng tindera ang order na sabaw, nabitawan at tumama sa katawan ng bata.
Panay ang iyak ng bata at huminto lamang ito ng malapatan ng gamot at dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center