Kinumpirma mismo ng mamamahayag na si Mon Tulfo na nagkaayos na nga sila ng aktres na si Claudine Barretto.
Ayon kay Tulfo na pinatawad na nito ang aktres dahil dapat lang unawain ang aniya'y "babaeng may diperensya sa pag-iisip."
Ang estranged husband daw ni Claudine ang dapat mag-sorry sa kanya bilang usapan ng "lalaki sa lalaki."
Hinggil naman sa mga kasong isinampa nito sa dating mag-asawa, nilinaw ng kolumnista na hindi na siya dumadalo sa mga hearing. Wala rin daw kasi siyang tiwala sa justice system ng bansa.
Matatandaan, taong 2012 nang nagkagulo si Mon at ang ngayo'y estranged couple sa Ninoy Aquino International Airport.
Binantaan pa noon ng magkakapatid na Tulfo sina Claudine at Raymart hanggang sa umabot sa demandahan ng magkabilang panig.
Ang pakikipag-ayos ni Barretto sa Tulfo brothers ay sa gitna naman ng hidwaan nila ngayon ni Santiago.