LA CARLOTA CITY - Patay ang isang 14-anyos na binatelyo matapos nilason ang sarili dahil lamang sa binastid siya ng kanyang nililigawan na 12-anyos na estudyante sa lungsod ng La Carlota, Negros Occidental.
Natagpuan ang biktima Lunes ng umaga, Hunyo 16 sa loob ng kanilang banyo na nakahandusay habang hawak ng kanyang kaliwang kamay nito ang lalagyan ng Zonrox na pinaniniwalaan naman ng pamilya ng biktama na kayang ininom na siyang sanhi ng kanyang pagkalason.
Hindi naman makapaniwala ang kanyang ina na gagawin niya na magpakamatay matapos bastidin ng kanyang nililigawan na isang 12-anyos na estudyante.