SAN ENRIQUE, NEGROS OCCIDENTAL - Patay ang 15-anyos na binatelyo matapos nalunod sa ilog sa bayan ng San Enrique, Negros Occidental kasabay sa celebrasyon ng kafiestahan ni San Juan De Bautista kahapon.
Kinilala ang biktima kay Bruce Delmonte at tubong-Tiling, Cauayan ngunit nakatira sa Gusi, Ilog.
Ayon kay Senior Insp. Romeo Vargas, hepe ng San Enrique Police Station, naliligo ang biktima alas-11:00 umaga kahapon sa Banawang River sa crossing patyo, Poblacion ngunit hindi alam nito na malalim ang ilog dahilan na hinagos ng tubig ng ito ang tumalon para maligo.
Tumagal ng 30 minutos bago siya nakuha at agad isinugod sa ospital ngunit nadeklarar na dead on arrival ito pagdating.