Ibinasura ngayon ng Sandiganbayan ang mga kahilingan na gawing bukas sa live sa media coverage ang gagawing mga court proceedings sa pork barrel cases.
Ang abiso ay inilabas, isang araw bago ang nakatakdang arraignment ng Sandiganbayan 1st division bukas sa plunder case ni Sen. Bong Revilla at iba pang akusado.
Ayon kay Atty. Renato Bocar, 20 mahigit na tao lamang ang maaaring ma-accomodate sa loob ng courtroom ngunit hindi rin papayagan ang mga ito na gumamit ng mga electronic gadget, tulad ng cellphones.
Nilinaw naman ng anti-graft court na hindi nila itinatago ang court proceedings kundi nais lang nilang sundin ang mga patakaran ng Sandiganbayan.
Ang mga ibig umanong humiling ng live broadcast ay maaaring mag-apply sa Korte Suprema.