Humiling ng P30-bilyong stabilization fund sa Kongreso ang CHED, DOLE at TESDA para sa mga guro sa kolehiyong maaapektuhan ng K-12 program.
Sa pakikipagpulong sa Kamara, iprinisinta ng tatlong ahensya ang kanilang action plan para matulungan ang higher educational institutions laban sa pagkalugi at ang mahigit 30,000 faculty at non-teaching staff laban sa malawakang tanggalan sa trabaho.
Matatandaang sa ilalim ng programa, dadaan pa sa dalawang taong senior high school ang mga magtatapos ng fourth year high school o Grade 10 bago magkolehiyo kaya dalawang taon ding mawawalan ng bagong estudyante ang mga kolehiyo at unibersidad na posibleng ikalugi ng mga ito.
Mangyayari ito sa 2016 hanggang 2017.